^

Police Metro

Terminal ng 5 bus firm ipinasara

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa paglabag sa nose-in, nose-out policy ay ipinasara kahapon ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang limang  bus company terminals kahapon ng hapon.

Ang mga terminal ng bus company na ipinasara ng MMDA ay ang DLTB Co, Lucena Lines Inc., 2 terminal ng Raymond Bus na matatagpuan sa Southbond EDSA sa Cubao, Quezon City at Superlines, na matatagpuan naman sa Northbound.

Ayon kay MMDA Operation Supervisor Bong Nebrija, noong nakaraang taon ay ipinasara na aniya ang nasabing mga bus terminals dahil hindi sila nakapag-comply sa mga itinakdang requirements ng MMDA.

Tulad ng terminal permit, paglabag sa nose-in, nose-out policy at iba pang violation.

Pinayagan nila itong makapag-operate sa pa­ngakong iko-comply ang mga requirements ng ahensiya subalit ang tumugon lamang ay ang Genesis Bus Terminal.

Nang muling balikan ang naturang mga bus terminal ay hindi pa rin tumugon sa itinakdang requirements ng MMDA kaya’t ipinasara na ito.

DLTB CO

LUCENA LINES INC

RAYMOND BUS

SUPERLINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with