^

Police Metro

Buntis na ginang, 10-anyos pinatay ng lover

Mer Layson - Pang-masa
Buntis na ginang, 10-anyos pinatay ng lover
Kahapon natagpuan ang bangkay ng magtiyahin na sina Ma. Rosula Paunil, 40, at pamangkin na itinago sa pangalang “JSB”, grade 4 pupil, kapwa residente ng Unit 205 Ridgeway Residen­ces, 70 Dansalan Street, Barangay Barangka Ilaya.
File

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak ang isang buntis na ginang ng seloso nitong lover at dinamay pa ang isang 10-anyos na pamangking babae sa loob ng bahay nito sa Brgy. Barangka Ilaya, Mandaluyong City noong Lunes.

Kahapon natagpuan ang bangkay ng magtiyahin na sina Ma. Rosula Paunil, 40, at pamangkin na itinago sa pangalang “JSB”, grade 4 pupil, kapwa residente ng Unit 205 Ridgeway Residen­ces, 70 Dansalan Street, Barangay Barangka Ilaya.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Benjamin Pardenez Jr., taxi driver, ng Dalia Street, Barangay Magdiwang, Bacoor, Cavite.

Nalaman lang ng mga otoridad na may naganap na krimen nang mag-report sa kanila ang isang testigo na kakilala ng suspek na tumawag sa kanya noong Lunes ng alas-11:30 ng gabi at sinabing napatay niya ang magtiyahin.

Hindi agad nakapagdesisyon ang testigo kung ano ang gagawin sa kanyang nalaman mula mismo sa suspek hanggang kinabukasan ay nagdesisyon na siyang magsumbong sa mga otoridad.

Rumesponde ang mga otoridad at itinuro ng testigo ang bahay, pero pagda­ting doon ay naka-padlock ang pintuan.

Sa tulong ng mga barangay official at ilang residente sa lugar ay sinira ng mga pulis ang padlock at pinasok ang bahay at doon na natagpuang magkapatong ang bangkay ng magtiyahin.

Isa pang testigo ang lumutang sa katauhan ng security guard ng gusali na si Ricky Urbina, 44, at kinumpirmang nakita niya ang suspek na umalis sa unit ng mga biktima dakong alas-6:15 ng gabi ng Abril 16 at may bitbit pang backpack.

Selos ang nakikitang motibo ng pagpatay ng suspek batay sa salaysay ng sekyu nang ipakita sa kanya ni Paunil ang pasa mula sa pagbubugbog ng una.

Ang suspek ay nakatakdang kasuhan ng two counts of murder at unintentional abortion.

 

vuukle comment

LOVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with