^

Police Metro

Hepe, 17 tauhan sinibak sa kotong

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinanggal sa kanilang puwesto ang 18 pulis-Maynila na nakadestino sa Malate Police Station kabilang ang hepe nito matapos maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat tauhan na nangikil sa isang dayuhan.

Ayon naman sa hepe na si Superintendent Eufronio Obong na wala siyang alam sa umano’y pangingikil ng kaniyang mga tauhan.

“Nagsarili ng mga lakad ‘yan.Personal nila ‘yan, hindi ko actually kilala personally ang mga ‘yun, kung ano man mentalidad ng mga ‘yan,” sabi ni Obong.

Magugunita na noong Biyernes ay naaresto ng NBI sa isang entrapment operation ang apat na pulis na sina SPO3 Ranny Dionisio, PO3 Richard Bernal; PO1s Elequiel Fernandez, at Arjay Lasap matapos na magsumbong ang Egyptian na si Amir Azab. 

Ayon kay  Azab, pinaligiran ng nasa 10 pulis ang kaniyang kotse sa P. Ocampo Street noong nakaraang Lunes ng gabi at inakusahan na tumanggap ng shabu mula sa isang babae sa Makati.

Dinala si Azab sa Malate police station at dito ay humirit ang 10 pulis na aregluhin na lang ang kaso kapalit ang halagang P200,00 na kalaunan ay ibinaba sa P50,000.

Dahil walang cash ay nagbigay si Azab ng tseke na tinanggap ng pulis na kung saan ay tinawagan ang una ng mga pulis na palitan ng cash ang tseke.

Dito na nagsumbong ang biktima sa NBI na umaresto sa apat na pulis na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

EUFRONIO OBONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with