^

Police Metro

Bulkang Mayon itinaas sa alert level 4

Angie dela Cruz at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbuga ang Bulkang Mayon ng makapal na abo kahapon na ikalawa nang insidente sa nakalipas na linggo kaya’t posibleng ito ay sasabog na.

Sa nasabing pangyayari ay ililikas ang nasa 7,000 hanggang 8,000 na daragdag sa  6,000 na nasa evacuation center dahil sa itinaas na sa alert level 4 ang Bulkang Mayon.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum na maaaring ang pagsabog ay tatawaging “phreato-magmatic” dahil sa ibubugang magma at abo.

Ang Volcanic ay posibleng sumabog patungong southwest dahil ang hangin ay magmumula sa northeast na makakaapekto sa  Guinobatan, Camalig at malapit pang bayan.

Ang pagtaas ng alert level 4 ay pinakamataas ng babala na nagbabadya ng malakas na pagsabog at ang danger zone ay pinahaba hanggang 8 kilometro.

Mahigpit na binabalaan ng Phivolcs ang publiko na huwag pumasok sa danger zone at maging ang  Civil aviation ay inabisuhan ang kanilang mga piloto na iwasan na lumapit sa tuktok ng bulkan dahil sa pagbuga ng abo na delikado sa mga eroplano.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with