^

Police Metro

Palasyo dumistansya sa ‘zero budget’ ni Alvarez

Malou Escudero at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumistansya kahapon ang Malacañang sa naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi makakatanggap ng budget ang mga probinsiya o kongresista na hindi susuporta sa federalism.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar,  hindi sakop ng Malacañang kung ano man ang binabalak na gawin ni Alvarez sa pagsusulong nito sa federalism. Ipinunto nito na magkahiwalay ang Ehekutibo sa Kongreso.

Samantala, umalma kahapon ang isang palabang mambabatas na si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano sa bantang “zero budget” ni Alvarez sa mga kongresista na hindi susuporta sa isinusulong na “federalismo”.

Ani Alejano, isa itong malinaw na pangbla-blackmail sa mga kasapi ng Kamara de Representantes.

Ayon kay Alejano, nakakalungkot ang bantang ito ni Alvarez at tila nakakalimot siya sa tungkulin dahil ipinalalagay nito na personal niyang pera ang pondo ng pamahalaan. Lantaran din umano nitong ginagamit ang salapi ng gobyerno upang ma-hostage ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Binigyang diin ni Alejano na mawawalan nang saysay ang 1987 Konstitusyon kung mapipilitan o maiipit lamang ang mga kasamahan niyang mambabatas na sumuporta sa federalism sa takot na mawalan ng pondo para sa mga proyekto ng kanilang mga probinsya. Samantalang paraan din umano ni Alvarez ang pahayag na “no election” at “term extension” upang makumbinse ang mga mambabatas na sumuporta sa federalism.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with