^

Police Metro

2 obrero pinatay ng kabaro

Ludy Bermudo at Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang construction worker ang napatay ng kanilang kabaro sa magkahiwalay na insidente sa Maynila at Mandaluyong City.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina alyas Danilo/Dan, nasa 25-30 ang edad, may taas na 5’0”-5’3” at Sonny Rose, 46.

Sa ulat ng MPD, naganap ang krimen dakong alas-12:45 ng madaling araw sa unang palapag ng ginagawang two-storey residential house nang saksakin ng suspek na si Francis Dichosa, 36, ang biktima sa kanang dibdib ng walang kadahilanan matapos na magpaalam ito sa kanilang inuman.

Sa Mandaluyong, dakong alas-11:15 ng gabi nang matagpuang duguang nakahandusay ang biktima sa Haig St. Brgy. Daang Bakal na ilang kanto lamang ang layo mula sa pinagtatrabahuhan nilang construction site nang ito ay hatawin sa ulo ng tubo ng suspek na si Cesar Ma­ngahas, 30 na agad tumakas.

Hindi pa batid ang ugat nang pinag-awayan ng da­lawa na maaaring nagtulak sa suspek para patayin ang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with