^

Police Metro

Maute-ISIS lider napatay sa air strike-AFP

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang patay na ang isa sa lider ng teroristang Maute-ISIS group na si Abdulah Maute sa patuloy na bakbakan sa Marawi City na nasa ika-105 araw na kahapon.

Ito ay ayon kay AFP Western Mindanao Command Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., kaugnay sa natanggap nilang impormasyon mula sa isang source na nahagip umano si Abdulah sa inilunsad na airstrike sa pagitan ng Agosto 14 at 26.

Gayunman, nilinaw ni Galvez na makukumpirma lamang nila ang impormasyon kung makikita nila ang bangkay ni Abdulah para isailalim sa DNA testing.

Samantala, ang kapatid naman ni Abdulah na si Omar na napabalitaang napatay na noon ay buhay pa hanggang ngayon batay sa kanilang pinakabagong hawak na impormasyon.

Samantala sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), wala pa silang natatanggap na balitang napatay na umano sa military operation sa Marawi City ang teroristang si Abdulah Maute.

Ayon kay PNP chief police director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa, hanggang sa ngayon walang kumpirmasyon kaugnay sa nasabing ulat.

Giit ng PNP chief na kailangan pang ma-establish ang “Corpus Delicti” kay Abdulah Maute.

Mahirap aniya mag-rely sa mga intelligence information lalo na kapag hindi validated ang report.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with