^

Police Metro

2 patay sa lindol sa Leyte

Gemma Garcia at Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawa ang nasawi habang isa ang nasugatan matapos yanigin ng 5.1 magnitude na lindol ang lalawigan ng Leyte, kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa NDRRMC kabilang sa nasawi sina Maria Contretas, 51 ng Brgy. Naungan at Ro­sita Baloro, 70, ng Brgy. San Jose, Ormoc City.

Si Contretas ay nasawi dahil sa pagkabagok ng ulo matapos siyang madulas habang si Baloro naman ay inatake sa puso.

Ginagamot naman sa ospital ang isang 20-anyos na babae na nahulog mula sa ikalawang palapag ng gusali.

Dahil sa malakas na lindol ay marami ang nataranta kahit na sandali lamang ang pagyanig.

Sa pagtaya pa ng NDRRMC nasa 56 mga bahay ang bahagyang nasira  sa Barangay Altavista, Ormoc City dahil pa rin sa naturang lindol.

Una na ring sinabi ni Office of Civil Defense (OCD-8) regional director Edgar Posadas, na batay sa kanilang inisyal na report may ilang mga hotel at establisyemento ang nagkaroon ng bitak mula sa pagtama ng naturang lindol.

Nilinaw din ni Posadas na maaaring madaan ang lahat ng kalsada sa  Eastern Visayas base na rin  sa isinumiteng report sa kanila ng DPWH.

Pinawi naman ng opisyal ang pangamba ng marami na magkaroon ng tsunami alert sa kabila ng inaasahang mga aftershocks.

Dahil sa malakas na lindol ay  nagsuspinde naman ang lokal na pamahalaan ng Ormoc City ng klase.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang nang tumama rin ang ma­lakas na lindol sa Ormoc City kung saan maraming mga eskwelahan, establisyemento, kabahayan at iba pa ang nasira.

Ayon sa Philippine Ins­titute of Seismology and Volcanology(Phivolcs) ang sentro ng lindol ay naitala sa may 005 kilometer ng hilagang silangan ng Albuera, Leyte.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang ugat ng lindol at umabot sa 005 kilometro ang lalim ng lupa ng pagyanig.

Naramdaman ang lindol sa lakas na intensity 5 sa Ormoc City at intensity 4 sa Pastrana Leyte at Intensity 3 sa Tacloban at Palo, Leyte.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with