Resorts World Manila attack di kagagawan ng ISIS
MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahapon ng palasyo ng Malacañang at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang pag-ako ng pandaigdigang teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na nagsabing miyembro nila ang dayuhang lalaking umatake sa Resorts World Manila nitong Biyernes na kumitil ng buhay ng 38 katao kabilang ang gunman.
Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, taliwas sa kini-claim ng ISIS iba ang lumalabas sa isinasawang imbestigasyon.
“It may grab the headlines, in Facebook likes, to spin the Resorts World tragedy as terrorism but that does not… with the evidence that we now have and it only feeds of itong international ano po, groups like ISIS is behind… it claims credits po”, pahayag ni Abella.
Sa panig naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., sinabi nito na nakikisawsaw lamang ang ISIS sa insidente at walang signature ng nasabing kinatatakutang dayuhang terorista sa buong mundo ang malagim na trahedya.
“The pronouncements of this group do not corroborate the facts on the ground. As it is, the RW (Resorts World) incident has the signature of a criminal act that needs deeper investigation to ascertain the real motive behind (it),” pahayag ni Padilla bilang reaksyon sa pagyayabang ng ISIS na isa sa mga fighters nila ang nasabing gunman base sa ipinalabas ng Amaq News Agency.
“As in previous incidents, this group is prone to claim and admit every criminal incident and label it as its own, clearly indicative of its pure penchant for propaganda,” ayon pa kay Padilla.
- Latest