^

Police Metro

Bato nagsori sa Quiapo twin blast

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Inamin kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa na nalusutan ang pulisya sa dalawang magkahiwalay na pagsabog ng bomba na ikinasawi ng dalawa katao habang anim pa ang nasugatan sa Quiapo, Maynila noong nakalipas na Sabado.

 Humingi ito ng paumanhin kahapon sa isinagawang press briefing at tinatanggap ng PNP ang batikos ng ilan nilang mga kritiko hinggil sa nasabing insidente.

Iginiit naman ni Dela Rosa na hindi sila gumagawa ng alibi upang mailihis sa international terrorist na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pangyayari.

Magugunita na noong Sabado bandang alas-5:55 ng gabi ay niyanig ng pagsabog ang Norzagaray Street sa panulukan ng Elizono Street malapit sa Manila Golden mosque   na ikinasawi ng dalawa katao, isa rito ay kinila­lang si Mohammad Binga habang apat pa ang nasugatan.

Ilang oras naman nang magresponde ang Explosive Ordnance Disposal at Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Manila Police District  upang magsagawa ng imbestigasyon ay sumabog ang ikalawang bomba na ikinasugat ng dalawang pulis mula sa SOCO ng Manila Police District (MPD) na kinilalang sina PO2s Aldrin Resos at Eliza Arturo.

Pinanindigan din nito na sa mga impormasyon na kanilang nakuha sa inis­yal na imbestigasyon na ang dalawang pagpapasabog sa Quiapo ay isang ‘isolated case’ lamang at hindi ito kagagawan ng mga terorista kaya walang dapat na ikabahala ang publiko.”.  

BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad