^

Police Metro

Special child nilamon ng apoy

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Halos nagmistulang uling na nang matagpuan ang bangkay ng 10-anyos na si Frederick Sumagang na isang ‘special child’ nang makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang bahay kahapon ng umaga sa Brgy. Bulacao, Cebu City.

Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga nang maganap ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Sumagang na matatagpuan  sa Sitio Cabancalan I, Brgy. Bulacao  na mabilis na kumalat at tumupok din sa nasa 39 kabahayan sa lugar.

Nabatid na sa sobrang pagkataranta ay hindi napansin ng ina na si Joanry Sumagang na hindi kasama ang biktima sa pagtakbo sa nasusunog nilang bahay.

Naapula ang sunog matapos ang mahigit 20 minuto at inaalam pa ang sanhi ng sunog.  

 

vuukle comment

SPECIAL CHILD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with