^

Police Metro

Seajacking ng Abu Sayyaf nasilat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang cargo vessel na tinangkang harangin ng Abu Sayyaf Group para dukutin ang mga tripulante sa karagatan ng Zamboanga del Norte ang nasilat ng mga elemento ng Philippine Navy (PN)  at Philippine Air Force (PAF) kamakalawa.

Batay sa ulat ni AFP-Western Mindanao Command Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., bandang alas-8:00 ng umaga ay naglalayag ang M/V Annabelle sa karagatan sa pagitan ng bayan ng Siocon at Liloy patungo sa Zamboanga City nang mag-distress call ito.

Ayon sa ‘distress call’ ng M/V Annabelle tatlong speed boats na may  mga lulang armadong lalaki ang nagtangkang umatake at lumulan sa kanilang cargo ship na pinaniniwalaang mga bandidong Abu Sayyaf na naghahanap ng panibagong mabibihag.

Agad namang ipinag-utos ni Galvez ang pagdedeploy ng air at naval assets ng AFP-Westcom upang pigilan ang masamang tangka ng mga bandido na mabilis namang nagsitakas matapos ng mga itong mamataan ang papara­ting na security forces.

Ang M/V Annabelle ay ineskortan naman ng Philippine Navy Patrol Craft 395 patungong Zamboanga City upang matiyak na ligtas itong makakadaong sa pantalan.

PN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with