^

Police Metro

Balik-klase at Brigada Eskuwela pinaghahandaan ng DepEd

Mer Layson, Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaghahandaan na ng pamunuan ng Department of Education ( DepEd ) ang pagdaraos ng Brigada Eskwela at pagbabalik -eskuwela ng milyun-milyong mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa bansa para sa School Year 2017-2018.

 Ayon sa DepEd, ang school opening para sa susunod na School Year sa public elementary at high school ay itinakda sa Hunyo 5.

Samantala, binibigyan naman ng DepEd ang mga private schools ng kalayaan sa pagtatakda ng petsa para sa pagbabalik-eskwela ng kanilang mga mag-aaral ngunit hindi ito dapat na mas tumagal pa sa huling araw ng Agosto, 2017.

Bago naman tuluyang magbalik-eskwela ang mga mag-aaral, itinakda na rin ng DepEd ang pagdaraos ng Brigada Eskwela 2017-2018 sa mga pampublikong paaralan mula Mayo 15 hanggang Mayo 20.

Sa ilalim ng Brigada Eskwela, magtutulungan ang mga guro, mga magulang at mga estudyante para linisin at ayusin ang mga silid-aralan sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase.

vuukle comment

BRIGADA ESKUWELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with