Gobernador ng Davao del Sur kinasuhan ng graft
MANILA, Philippines - Nahaharap sa kasong 2 counts of graft, 2 counts ng malversation at 1 count ng bribery na isinampa sa Ombudsman laban kay Davao del Sur Gov. Douglas Cagas na may kinalaman sa nawawalang P16 milyong pork fund at umanoy kickback na P9.3 milyon noong kongresista pa ng ikalawang distrito ng lalawigan noong taong 2007.
Inerekomenda naman ng Ombudsman na makapagpiyansa si Cagas ng kabuuang P160,000 kaugnay ng naturang mga kaso para pansamantalang makalaya.
Kapwa akusado negosyanteng si Janet Napoles at si dating Energy Regulatory Commission chair Zenaida Ducut at iba pa dahil sa maanomalyang paggamit ng kanyang pork barrel noong mambabatas pa.
Sinasabing nagkaroon ng ghost livelihood project si Cagas kakutsaba ang naturang mga akusado noong 2007 na hindi man lamang napakinabangan ng kanyang mga constituents dahilan sa pagbubulsa lamang umano sa naturang pondo.
- Latest