^

Police Metro

5 kidnaper tiklo, bihag nasagip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Limang miyembro ng Bicol/Southern Tagalog kidnapping for ransom group ang naaresto ng mga otoridad sa isinagawang magkahiwalay na search and rescue ope­ration na nagresulta  nang pagkasagip sa bihag nilang negos­yanteng Tsinoy sa lalawigan ng Camarines Sur at Albay.

Kinilala ang nasagip na bihag na si Francis Leo Santa Maria Maulion,poultry farm owner at nabawi ang P1.2 M ransom  sa mga suspek na kinilalang sina Joven Ortiz; Gerry Mancera, 46; Jefferson Cuachin, 26; Prudencio Ruiz at Cesar Garcia Jr.,  47.

Pinangunahan ng Anti-Kidnapping Group (AKG) at Police Regional Office 5 ang paghahanap sa iba’t ibang lugar sa Camarines Sur at Albay.

Humingi naman ng paumanhin si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa sa mediamen dahilan hindi muna nila isinapubliko ang insidente dahil sa patuloy ang search and rescue ope­rations sa dahilan hindi pa naaresto ang karamihan sa mga kidnaper.

 Nabatid na si Maulion ay binihag ng mga kidna­per sa poultry farm sa Brgy. Kamuning, Calabanga, Camarines Sur noong Nobyembre 23, 2016.

Noong nakalipas na Marso 6 bandang alas-4:00 ng hapon ay nagkaroon ng putukan sa ransom pay-off sa hangganan ng Sitio Nabuntugan, Banga Caves, Ragay, Camarines Sur  sa pagitan ng mga o­peratiba at walong kidnaper.

Nasakote sa operasyon si Ortiz hawak ang P1.2 M ransom  at nasamsam sa pag-iingat nito ang cal. 45 pistol na may 16 bala pero nakatakas ang iba pa nitong kasamahan na nagpulasan ng takbo sa bundok sa naturang lugar.

Sa isinagawang tactical interrogation ay ikinanta ng suspek ang pinagtataguan sa negosyante na matagumpay na nasakote ng sumunod na araw sa operasyon sa Brgy. Itulan, Pasacao, Camarines Sur  habang tumatakbo patakas ang mga kidnaper.

Nitong Marso 9 ay natunton ang hideout ng mga kidnaper na isa sa dalawang safehouse na pinagtaguan sa bihag  habang sa serye ng operasyon ay nasakote ang apat pa sa mga suspek na positibong kinilala ng negosyante.

vuukle comment

BIHAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with