^

Police Metro

Siga dedo sa saksak

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Kung ano ang inutang ang siya ring kabayaran”.

Nagkatotoo ang kasabihang ito sa isang 27-anyos na lalaki na ‘siga’ sa kanilang lugar na miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity at mayroon na umanong napatay na tatlong katao matapos na siya ay saksakin habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang barkada, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center dahil sa dalawang tama ng saksak sa dibdib at collar bone area ang biktimang si Jason Francisco,  ng Building 28, Unit 515, Permanent Housing, Tondo, Maynila.

Pinaghahanap na ang itinuturong suspek na si Rodelio Mamucod,18, alyas “Iyong”, ng Purok 6, Alley III, Permanent Housing, Tondo, Maynila.

Sa ulat, bago naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa harapan ng Building 22, Permanent Housing, Tondo ay nakikipagkuwentuhan  ang biktima sa mga kaibigan nang bigla na lang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing inundayan nito ng magkakasunod na saksak ang biktima.

Nakatakbo pa ang biktima upang umiwas, subalit agad ding bumagsak sa tapat ng Building 28 kaya isinugod ng mga kaibigan sa nasabing ospital habang tumakas naman ang suspek.

Sa impormasyon ng Homicide Section, ang biktima ay kilala sa lugar na ‘siga’ at sinasabing may 3 kaso na umano ng pagpatay ang kinasasangkutan.

May nakarating na umanong balita sa suspek na hinahanting siya ng biktima dahil kaibigan ito ng isa sa sinasabing pinatay ng biktima at noong Enero lamang inihain ang kasong murder na patuloy pang beneberipika ng pulisya.

vuukle comment

TAU GAMMA PHI FRATERNITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with