^

Police Metro

Digong no show sa Edsa anniversary

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi sinipot  ni Pa­ngulong Rodrigo “Digong “ Duterte ang hu­ling araw ng paggunita kahapon sa ika-31 taong anibersaryo ng EDSA People’s Power 1 o ang mapayapang rebolusyon sa bansa na hinangaan sa buong mundo .

Sa halip nitong Sabado ng umaga ay pinangunahan nina AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año  ang ginanap na wreath laying Ceremony sa EDSA People Power Monument  sa Quezon City bilang bahagi ng paggunita  sa ika-31 taon nitong anibersaryo.

Ayon kay Col. Edgard Arevalo, si Gen. Año  ang nagsilbing host ng sere­monya kasama si dating   Executive Secretary of the Philippines Eduardo Ermita  na nagsilbing  honoree na kinatawan si dating Pangulong Fidel Ramos.  Humabol at nakiisa naman sa pagdiriwang ng EDSA 1 si da­ting Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

NItong Biyernes ay dumalo sa simpleng sere­monya sa pamamagitan ng misa at awarding ce­remony sa grandstand ng Camp Aguinaldo ang mga key players ng EDSA na sina dating  Pangulong Ramos, dating Colonel at ngayo’y Senador Gregorio Honasan gayundin si dating Defense Minister at dati ring Senate President Juan Ponce Enrile.

Magugunita na naganap sa kahabaan ng Efipanio de los Santos Avenue (EDSA) ang mapayapang rebolusyon sa bansa noong Pebrero 1986 na hinangaan at pinamarisan sa buong mundo.

Samantalang nasa 200 security personnel o mga sundalo mula sa Joint Task Force-National Capital Region at major services ang ipinakalat sa lugar upang tiyakin magiging mapayapa ang simple subali’t makabuluhang selebrasyon ng People’s Power 1. Nagdaos din ng kilos protesta ang mga pro at anti-Duterte sa nasabing okasyon.

RODRIGO “DIGONG “ DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with