^

Police Metro

3 kelot utas sa vigilante

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakasunod na pinagbabaril at napatay ang tatlong lalaki na kagagawan umano ng vigilante group sa Caloocan City, kamakalawa at kahapon ng madaling araw.

Kinilalang ang mga nasawi na sina Jonathan Gabarda, 26, alyas “Jojo”, obrero, ng Brgy. 178 Camarin; Errol Pedelos, alyas “Popong”, tricycle driver ng Brgy. 176, Bagong Silang at Nicodemus Ampuan, 49, ng Brgy. 20, Kaunlaran Village.

Sa ulat, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang pagbabarilin si Ga­barda sa may Avocado Street, Brgy. 178 ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Ayon sa tiyuhin ng biktima sa pulisya, sangkot umano sa illegal drugs ang pamangkin.

Dakong alas-8:20 ng gabi nang paslangin ang biktimang si Pedelos nang ito’y harangin habang namamasada  ng kanyang tricycle ng apat na salarin na sakay ng dalawang motorsiklo at walang kaabog-abog na pagbabarilin.

Kahapon naman ng madaling araw nang barilin at mapatay ng mga nakamaskarang lalaki sa loob ng kanyang bahay si Ampuan.

vuukle comment

VIGILANTE GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with