^

Police Metro

4 sangkot sa droga dedo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na lalaki na umano ay sangkot sa droga ang napatay sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Quezon City, Masbate City at Cavite.

Kinilala ang nasawing suspek na si  Jhoney Alcueno, 22, ng Leyte Extension Area B, Brgy.Payatas, Quezon City matapos na manlaban sa buy bust operation dakong alas-4:30 ng hapon sa mga operatiba ng Batasan Police Station (PS-6).

Narekober sa crime scene ang dalawang sachet ng shabu, isang kalibre .45 pistola, mga hindi pumutok na bala, isang basyo ng kalibre .9mm, isang tingga at buy-bust money.

Sa Masbate City, nasawi ang dalawang drug pusher na kinilalang sina Joe Santander, 51, residente ng  Maigo, Lanao Del Norte at Elmer “El-el” Orcullo, 40, ng  Brgy. Kinamaligan ng nasabing lungsod makaraang manlaban sa isinasagawang drug buy-bust operation sa isang boarding house sa Purok Lapu-Lapu, Barangay Pating, kamakalawa ng alas-12:26 ng hatinggabi.

Sa lalawigan ng Rosario, Cavite ay napatay din sa buy bust operation dakong alas-2:30 ng hapon ang suspek na si Jun Torres Figueroa alias Bisyo, 45, binata ng Cotobato St., Brgy Sapa 2  nang ito ay pumalag.

Nasamsam ng mga otoridad ang isang .38 baril.3 plastic sachet na naglalaman ng  shabu.- Ricky Tulipat, Francis Elevado, Christina Timbang

vuukle comment

SANGKOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with