^

Police Metro

Babaeng bumbero pinatay ng adik na lover

BIRADOR - Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatay sa pamamagitan nang pagsakal ang isang babaeng bumbero ng kanyang lover na umano ay nasa impluwensiya ng droga kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si Ely Ann Insigne, 28, miyembro ng Valenzuela City Fire Station at naninirahan sa No. 677 A. Marulas Street, Brgy. 36, ng naturang lungsod. Habang inaresto ang suspek na si Dexter Tulaylay, 27.

Nabatid na dakong alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang pagkamatay ni Insigne nang bumisita sa kanyang bahay ang mga kaanak at kapitbahay na sina Michele Mañaol at Catherine Borillo at naabutan ang suspek na umamin agad sa pagpatay.

Nadiskubre sa lugar ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang wallet na pag-aari ng suspek.

Pinaniniwalaan ng pulisya na nasa impluwensya ng iligal na droga ang suspek nang isagawa ang krimen at kinasuhan ito ng murder.

vuukle comment

BUMBERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with