^

Police Metro

Killer ng 2 katao dedo sa aresto

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 30-anyos na lalaki na pumatay ng dalawang katao ang napatay ng mga pulis na umaresto sa kanya matapos na manlaban kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Renato Santiago, miyembro ng Sputnik gang at residente ng Osme St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng madaling araw sa Osmena St., Tondo, Maynila ay isang Shirley Fuentes ang nagbigay ng impormasyon sa mga pulis sa kinaroroonan ng suspek na itinuturong pumatay sa mga biktimang sina Ronald Ramos sa loob ng isang pedicab dakong alas 12:30 ng madaling araw, kamakalawa at noong Disyembre 30, 2016 kay  Jonel Flaviano dakong alas-11:50 ng gabi sa panulukan ng Capulong at Velasquez St., Tondo.

Una umanong umamin ang suspek kay Fuentes hingil sa pagpatay sa dalawang biktima at naisipan ng huli na ipadakip na lamang upang makulong.

Nang patungo na sa kinaroroonan ng suspek ang mga pulis, sinalubong ng putok ang isa sa rumesponde na si PO2 Dylan Verdan, subalit hindi tinamaan kaya’t gumanti ito at napatay ang una.

vuukle comment

RENATO SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with