^

Police Metro

Muslim lider itinumba sa Islamic center

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril habang nag­lalaro ng chess ang isang lider ng Muslim sa loob ng Islamic Center sa Golden Mosque, Quiapo, Maynila noong Biyernes ng riding in tandem.

Namatay noon din ang biktimang si Datu Amerol-Gulam Ambiong, chairman ng Metro Manila Muslim Peace and Order Coordinating Council (MMMPOC).

Walang naitalang report ang pulisya dahil hindi na ito ipinaimbestigahan at agad din ipinalibing kamakalawa ang biktima sa Marawi City.

Ayon sa source pinagbibintangan ng ilang mga kapatid na Muslim kung bakit nakalaya si Ambiong noong Oktubre 7 matapos na sila ay pagdadamputin sa isinagawang Oplan Tokhang at One Time, Bigtime O­peration ng Manila Police District at National Capital Regional Police Office kung saan ay 7 ang napatay na kinabibilangan ni Barangay Chairman Nohg Faiz Macabato, ng Barangay 648, Zone 67 ng P. Casal St., San Miguel, Maynila; Kagawad Malic Bayantol at bigtime drug pusher na si  Gauz Macabato.

Si Ambiong ay may 9 na anak sa makulay niyang kasaysayang pag-ibig na isinadula sa GMA-7 at ginampanan ni Alden Richartds.

ISLAMIC CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with