^

Police Metro

De Lima sinampahan ng disbarment case

KUNSABAGAY - Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa kahapon ng tanghali ng disbarment case sa Supreme Court ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) laban kay Senador Leila De Lima.

Isinampa nina VACC founding chairman Dante Jimenez, Reynaldo Esmeralda, Ruel M. Lasala at Sandra Cam ang kaso sa SC laban sa Senador.

Naging basehan ng pagsasampa ng kasong disbarment kay De Lima  dahil sa gross immorality, violation of the lawyers oath at paglabag sa Rule 1.01, canon 7 at Rule 7.03 ng Code of Professional Responsibility.

Kasabay nito, nanawagan rin ang VACC na  mag-resign na sa kanyang tungkulin si De Lima sa paniniwalang sapat na ang ebidensiya  nilang hawak laban sa Senadora.

Kasama sa ebidensiya ng VACC sa kanilang alegasyon ay ang sex video umano nito at mga testimonya ng mga opisyal at inmate sa New Bilibid Prison (NBP) na direktang nagsasangkot kay De Lima  sa  kalakalan ng illegal na droga sa New Bilibid Prison.

Magugunita na una nang sinampahan ng VACC si De Lima sa Supreme Court ng illegal drugs.

vuukle comment

DISBARMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with