Valenzuela mayor kinasuhan sa Kentex fire
MANILA, Philippines – Kasong kriminal ang isinampa sa Sandiganbayan laban kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at ang may-ari ng Kentex Manufacturing Corporation kaugnay sa pagkasunog ng factory ng tsinelas na ikinamatay ng may 74 manggagawa noong May 2015.
Kasama ring kinasuhan ang apat na opisyal ng Bureau of Fire Protection at dalawang opisyal ng Business Permits Division ng Municipal Government ng Valenzuela City.
Mga kasong graft, reckless imprudence resulting in multiple homecides at multiple physical injuries ang mga kasong isinampa laban sa kanila
Nakitaan ng Office of the Ombudsman ng sapat na basehan para iakyat ang kaso sa korte laban kay Gatchalian.
Sa imbestigasyon ng Ombudsman, lumalabas na nabigyan ng business at fire safety permits ang Kentex sa kabila ng mga paglabag sa fire safety code.
- Latest