^

Police Metro

Leila protector ng drug lords

Gemma Garcia at Rudy Andal - Pang-masa

Siya ang dahilan nang pagkalat ng droga sa Bilibid - JB

MANILA, Philippines - Tuwirang itinuro ni Jaybee Sebastian si Senador Leila de Lima na umano’y “protector” ng drug lords  sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang walang kagatol-gatol na inihayag ni Sebastian sa pagharap nito sa ikaapat na pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa paglaganap ng mga illegal na droga sa NPB.

Nilinaw naman ni Sebastian, bagamat hindi niya alam ng noon ay Justice Secretary pa si De Lima, ang mga aktibidades ay malinaw naman umano na alam niya ang mga natatanggap na pera ay mula sa drug trade.

Lumalabas sinum­paang salaysay niya na umabot na sa P10 mil­yon ang drug money na kanyang naibigay sa Senadora na ginamit naman sa pangpondo noong tumakbo ito noong eleksyon sa Senado.

Inamin din ni Sebastian na ibinigay niya ang  unang P2 milyon kay Jonel Sanchez na dating close in bodyguard  ni De Lima at P6 milyon habang ang P2 milyon ay personal niyang i­binigay sa dating Kalihim, subalit hindi niya personal na kinuha dahil pinalagay lang niya sa upuan sa tanggapan mismo ni da­ting Bureau of Correction (BUCOR) chief Franklin Bucayu.

Bukod kay De Lima, itinuro rin nito na tumatanggap ng P100,000 ang mga guard sa NBP at dating Bucor chief Bucayu at Ricardo  Rainier Cruz III na tumatanggap ng suhol kaya lumaganap ang illegal na droga sa piitan kada linggo.

Idinagdag pa ni Sebastian na  base sa kanyang pinagdaanan at sa takbo ng  kwento sa Bilibid ay si De Lima ang may kasalanan ng lahat.

Sinabi naman ni De Lima na ginipit lamang umano si Sebastian kung kaya’t tumestigo ito laban sa kanya sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara.

Iginiit pa kahapon ni De Lima na hindi lamang si JB ang tumanggap ng pressure kundi maging ang kanyang maybahay ay ginigipit din kaya napilitan ito na tumestigo sa Kamara laban sa kanya pero puro kasinungali­ngan lamang ang lahat ng testimonyang ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with