^

Police Metro

Iniwan ng misis... mall hostage drama: 2 patay

Cristina Timbang at Ricky Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ng mga pulis ang isang hostage taker matapos na magwala at mapatay nito ang isang lalaki at pagkasugat ng babae sa loob ng isang kilalang mall sa Dasmariñas City, Cavite, kahapon ng hapon.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Carlo Lacdao, 32, residente ng Brgy. Burol Main ng nasabing lungsod.

Ang nasawing biktima ay kinilala namang si Roberto Rosales, 48, ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, habang kritikal si Jonnabel Sumali, 31, ng Silang, Cavite.

Bago nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon ay pumasok ang suspek sa loob ng mall at tinungo nito ang mga banyo para hanapin ang misis nito na nakadestino bilang toilet attendant ng mall.

Ilang minuto ang nakakalipas ay hindi nito makita ang misis na kinilalang si Erna kaya’t nagwala at nagsisigaw ito sa loob ng banyo ng lalaki at kinuha ang nakatagong patalim at nanghalihaw nang saksak at  unang tinamaan si Rosales. Lumabas ito ng banyo ng lalaki at muling nanghalihaw ng saksak at  tinamaan si Sumali na galing naman sa banyo ng mga babae.

Nagkaroon ng kaguluhan at nagtatakbo ang mga mallers na siya namang pagresponde ng mga SWAT at isinagawa ang negosasyon ng pagsuko nito.

Hindi sumuko ang suspek at akma pang mananaksak uli kaya’t binaril na ito ng pulis.

Mabilis na dinala ang dalawang biktima, subalit hindi na umabot ng buhay si Rosales  habang kritikal ang kalagayan ni Sumali.

Lumalabas sa imbestigasyon na hiniwalayan ni Erna ang suspek dahil sa mga umano’y bisyo nito at nagtungo ito sa  mall para siya ay kausapin at muli silang magbalikan na hindi nangyari.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with