^

Police Metro

Pangingisda sa Scarborough Shoal, bawal muna

Randy Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahilan sa tensiyon, nagbabala si Zambales Governor Atty. Amor Deloso sa 3,000 mangi­ngisda na bawal muna ang mangisda sa Scarborough Shoal na inaangkin din ng China.

Ito’y sa kabila ng pu­mabor ang desisyon ng Arbitration Court sa The Hague, Netherlands sa Pilipinas bilang siyang may hurisdiksyon sa malaking bahagi ng West Philippine Sea (South China Sea).

“As governor of the province, wala po ako ma­ga­gawa because it is beyond my domain… because wala kaming armas dito,” sinabi ni Deloso nang tanungin ng PM tungkol sa plano ng pamahalaang panglalawigan matapos ang desisyon ng korte.

Sinabi pa ni Deloso na bagamat sa ngayon ay wala pang ginagawang anumang hakbangin ang China laban sa desisyon ng arbitral tribunal, dapat pa ring ikonsidera na Zambales ang pinakamada­ling gawing target ng mga Intsik.

Nabatid na ayaw pa ring tumanggap ng pagkatalo ng China na iginigiit na pagmamay-ari ng kanilang bansa  ang isang 500-ektaryang isla sa Zambales, na rito sinasabing nakaistasyon ang isang missile.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with