^

Police Metro

2 Bus company na walang PWD seat, pinagmulta ng LTFRB

Angie de la Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahilan sa kabiguang maglaan ng upuan para sa mga Person With Disability (PWD), pinagmulta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng tig P50,000 ang dalawang bus company na Green Star Express Inc. at LLI Bus Company, Inc.

Ayon kay Atty Ariel Inton, Board member ng LTFRB, ang hindi pagbibigay ng upuan sa mga PWDs  ay paglabag sa  Joint Administrative Order (JAO) 2014-001 for “No designated seats for the Physically Challenged Individual (PWD)”.

Bukod sa naturang multa, pinagbabayad din ang natu­rang mga bus company ng tig P5,000.00 para sa pagiging arogante ng kanilang tsuper at konduktor; at dagdag na  P5,000.00 para sa diskriminasyon sa pasahero.

Ang pagkilos ng LTFRB ay bilang tugon sa reklamo sa ahensiya ng isang  polio victim nang hindi makaupo sa designated PWD seat at pinabayaan itong maupuan ng matitipunong lalaki .

Sabi ng complainant, hindi siya pinansin ng konduktor at hindi man lamang nabigyan ng upuan kahit na naipakita nito ang kanyang PWD ID.  Sa pagkadismaya ng complainant, nag-video siya sa mga kalalakihang nakaupo ang mga matitipunong lalaki sa PWD seat na laan sana sa mga may kapansanan ay dinala ng complainant nang magreklamo sa  LTFRB.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with