^

Police Metro

Babaeng ni-rape , inanakan ng colorum van driver lumantad

Angie de la Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos ang pananahimik, lumutang na rin kahapon sa Quezon City Police ang isa pang babaeng biktima ng panghahalay ay inanakan pa ng kilabot na colurum van serial rapist na nakapiit ngayon sa detention cell ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU)  sa Camp Karingal, Quezon City.

Kinilala ni CIDU chief P/Supt. Rodel Marcelo ang lumutang na biktima na si Jennifer Alcano, 27, anyos ng No. 124 Road 3 Brgy. Pagasa, Quezon City.

Sa sinumpaang salaysay ni Alcano sa Womens Desk ng QCPD, 14 taong gulang pa lamang   siya ay abusuhin at halayin ng manyakis na si Lorenzo sa bahay nito sa Metro Manila East Rodriguez, Rizal.

Nabatid pa sa biktima na taong 2003, makaraan kaibi­ganin siya ng  driver ng colorum van ay isinakay umano siya sa sasakyan nito bago dinala sa bahay  at  sapilitang hinalay.

Maluha-luha pang isinalaysay ni Alcano na 14 taong gulang siya ng  pagsamantalahan ng manyakis na serial rapist   at ngayon ay 14-anyos na rin ang kanyang anak na naging bunga ng panghahalay  sa kanya.

Si Wilfredo Lorenzo ang u­nang nahuling suspek sa panggagahasa at pagnanakaw sa da­lawang pasahero nito sa loob ng isang colorum na van na kasama ng napaslang na si Alfie Turado sa naturang krimen noong isang linggo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with