‘Nostalya Maynila’ tampok sa photo exhibit
MANILA, Philippines – Pangungunahan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang ilulunsad na “Nostalya Maynila” bilang pagpupugay sa ika-445 na Araw ng Maynila mula Hunyo 20-24, 2016 sa ganap na alas-4:00 ng hapon.
Masasaksihan sa unang pagkakataon ay ang pinakamalaking exhibit ng mga larawang magpapakita sa maningning at dakilang kasaysayan at kultura ng Lungsod ng Maynila.
Masasaksihan ang “Nostalya Maynila” sa kahabaan ng Baywalk sa Roxas Blvd, na bubuksan ni Estrada, kasama ang mga opisyal ng lungsod, mga piling panauhin at mga mamamayan ng siyudad.
Naatasang mangasiwa sa aktibidad si Ms. Rosario K. Planas, city accountant; at kasama rin sa pagdiriwang ang pagkakaloob ng natatanging gawad para sa natatanging mga opisyal at kawani na kinabibilangan ng Natatanging Hukom at Prosekyutor; Katangi-tanging Pulis; Patnubay ng Sining at Kalinangan; Natatanging mga Kawani, at pagkakaloob ng Loyalty Awards; Natatanging mga Guroat Estudyante; Sinag ng Maynila Youth; Natatanging Manilans at Natatanging Taxpayers.
Sa Hunyo 24, Araw ng Maynila, magdaraos ng isang Misa ng Pasasalamat at pag-aalay ng bulaklak sa San Agustin Church at isa pang pag-aalay ng bulaklak sa Rajah Sulayman monument. Idaraos naman sa gabi ang Miss Manila coronation night.
- Latest