MRT, LRT may libreng sakay
MANILA, Philippines – Maghahandog ng libreng sakay sa mga commuters ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-118 taong Araw ng Kasarinlan sa bansa ngayong araw (Hunyo 12).
Sa pahayag ng pamunuan ng Light Rail Transit Administration (LRTA) ang libreng sakay ay isasagawa mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi.
Maaaring ma-avail ng mga pasahero sa nabanggit na mga oras sa MRT-3 na ang ruta ay mula North Avenue, EDSA hanggang TAFT Avenue sa EDSA at pabalik.
Gayundin sa LRT-1 na ang ruta ay mula Baclaran, Pasay hanggang Roosevelt Quezon City at pabalik, at sa LRT-2 na may rutang Recto, Manila hanggang Santolan, Pasig at pabalik.
Samantala, ang Pasig River Ferry ay magbibigay din ng libreng sakay sa mga pasahero ngayong araw mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
- Latest