^

Police Metro

National Board of Canvassers bubuuin

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bubuuin na sa susunod na linggo ng pinagsamang Kapulungan ng Senado at Kamara de Representates  ang National Board of Canvassers (NBOC) upang siyang magproklama sa mga nanalong kandidato sa pagka-bise presidente at bagong Pangulo ng bansa sa katatapos lang na halalan.

Ayon kay Senate Secretary Oscar Yabes ang dalawang kapulungan ng Kongreso ang bubuo sa NBOC  para magbilang ng boto sa nakaraang presidential at vice-presidential race sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.

Sinabi ni Yabes na sa Lunes (Mayo 23), uunahin muna ng mga Senador ang pagpasa ng ilang panukalang batas sa ikatlo at huling pagbasa at sa susunod na araw sila magtutungo sa House of Representatives para sa pagbuo ng NBOC.

Pagtitibayin ng Senado at Kamara sa pangunguna nina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang resolusyon para sa joint public session sa Mayo 24,  na gagawin sa House of Representatives building sa Quezon City.

Sa joint session bubuuin ng dalawang kapulungan ang mga patakaran para sa canvassing at bubuin ang Senate at House panels na kakatawan sa Joint Canvassing Committee.

Alinsunod sa Article VII, Section 4 ng 1987 Constitution ang  nasabing komite ang magsasagawa ng aktuwal na pagbibilang ng boto na inaasahang pormal na magsisimula sa Mayo 25.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with