Sa pag-post ng seksing larawan sa FB... Dalagita napagalitan ng ina, nagbigti
MANILA, Philippines – Posibleng masyadong dinamdam ng isang 15-anyos na dalagita ang panenermon ng ina sa kanya dahil sa pagpo-post nito ng seksing larawan sa Facebook.
Natagpuang nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa San Bartolome St., Seacom Compound, Brgy. San Antonio, Parañaque City ang biktimang si Hanna Alessandra Villar.
Batay sa ulat, alas-4:50 ng hapon nang matagpuan ang biktima ng kapatid na lalaki na nakabigti gamit ang sinturon.
Dali-daling tinanggal ang biktima sa pagkakabigti at mabilis na dinala sa ospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.
Ayon sa pahayag ng ina na si Cherry Villar, bago ang insidente ay napagalitan niya ang anak dahil sa pagpo-post umano nito ng kanyang mga seksing larawan sa Facebook na hindi niya nagustuhan.
- Latest