^

Police Metro

Nagpaalam muna sa misis... Cancer patient nag-dive sa ospital

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Posibleng hindi na umano nakayanan ng isang lalaking pasyente ang nararanasang sakit na prostate cancer kaya’t minabuti nitong tapusin ang buhay sa pamamagitan nang pagtalon mula sa ikalimang palapag ng East Avenue Medical Center sa Quezon City, kahapon.

Kinilala ng Quezon City Police District Station 10, ang biktima na si Joselito Amor, 48, family driver, residente ng 18 Katangian St., Batasan Hills ng lungsod.

Lumalabas sa im­bestigasyon na bago ang pagtalon ng biktima mula sa ikalimang palapag ng ospital, ganap na alas-12:55 ng tanghali kahapon ay sumailalim ito sa prostate operation na naging sanhi para hindi ito mapagkatulog at ma­ging balisa.

Ayon sa misis ng biktima ng nasabing oras ay sabay silang naglalakad ng mister nang biglang binilisan nito ang mga hakbang at inunahan siya nito nang biglang magpaalam kasunod ang pagtalon nito.

Nagtamo ng matin­ding pinsala sa katawan ang biktima na agad binigyang lunas ng mga doktor, subalit dakong  alas-3:00 ng hapon nang ito ay bawian ng buhay.

 

ACIRC

ANG

AYON

BATASAN HILLS

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOSELITO AMOR

KATANGIAN ST.

KINILALA

LUMALABAS

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with