^

Police Metro

4 disqualification case ibinasura... Duterte tuloy sa laban

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ibinasura kahapon ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang apat na petisyon na nagdidiskwalipika kay presidential hopeful Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Inihayag ni First Division presiding Commissioner Christian Robert Lim na ang desisyon ay unanimous na pumapabor para ibasura ang 4 petis­yon laban kay Duterte dahil sa kawalan ng merito.

Bukod kay Lim, kabilang din sa First Division sina  Commissioners Luie Tito Guia at Rowena Guanzon.

Ang desisyon ng  Comelec ay nagsasabi na si dating Partido Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) standard-bearer Martin Diño ay  balido ang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-presidente at hindi ito idineklarang nuisance candidate at ang  pag-atras nito para pumalit si Duterte ay balido rin.

Maging ang pumalit na si Duterte  ay hindi nakitaan ng  dibisyon ng misrepresentation sa kanyang COC.

Ang apat na petis­yon laban kay Duterte ay isinampa nina broadcaster Ruben Castor, UP student leader John Paul delas Nieves; Ely Pamatong at Rizalito David.

Samantala, nagbabala sina Duterte at Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa “narcopo­litics.” na kanila itong ikukulong sa sandaling mapatunayan.

Ito’y matapos kumpirmahin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang presensya ng “narcopolitics” sa bansa, at binanggit ang pagkaka-aresto noong 2015 ng may 200 opisyal ng gobyerno na sangkot sa illegal drug trafficking.

ACIRC

ANG

COMELEC

COMMISSIONER CHRISTIAN ROBERT LIM

COMMISSIONERS LUIE TITO GUIA

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DUTERTE

ELY PAMATONG

FIRST DIVISION

JOHN PAUL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with