^

Police Metro

Finance officer pinatay na, ninakawan pa

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patay ang isang 40-anyos na ginang na finance officer  ng  isang appliances store matapos barilin ng isa sa limang lalaki na bumubuntot sa kanya habang patungo sa bangko para magdeposito kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Evelyn Dacatimbang, kawani ng A-Zone Appliances and  Electronics Center na matatagpuan sa panulukan ng Rizal Avenue at Ronquillo St, Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa kuha ng CCTV sa lugar ay nasa 4 hanggang 5 lalaki ang nagsagawa ng krimen na pinaniniwalaang pakay ang dalang pera ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-10:00 ng umaga sa kahabaan ng  P. Gomez St, kanto ng R. Hidalgo St, sa gilid ng SM Department store ay sinundan na ang  biktima mula sa pagkalabas nito sa  tindahan na pinapasukan na may dalang bag na naglalaman ng P300,000.00 na kinita ng tindahan para ideposito sa Metrobank-Quiapo Branch nang ito ay barilin sa ulo at nang humandusay ay tinangay ang dalang bag nito.

Sa kabila ng dami ng vendor at taong naglalakad ay wala ni isang.

Paniwala ng otoridad na nasubaybayan ng mga suspek ang galaw o routine at pattern ng dinaraanan ng biktima sa tuwing ito ay magdedeposito sa bangko.

 

vuukle comment

A-ZONE APPLIANCES

ANG

ELECTRONICS CENTER

EVELYN DACATIMBANG

GOMEZ ST

HIDALGO ST

MAYNILA

METROBANK-QUIAPO BRANCH

NBSP

RIZAL AVENUE

RONQUILLO ST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with