^

Police Metro

NPA inatake ang construction firm ng gobernadora

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inatake ng mga mi­yembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang construction company na pag-aari ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes at dito ay sinunog ang milyong halaga ng heavy equipments kamakalawa ng gabi  sa bayan ng T’boli ng lalawigang ito.

Sa ulat ng South Cotabato Police, bandang alas-8:00 ng gabi nang suma­lakay sa AJ Construction Company na matatagpuan sa Brgy. Edwards, T’boli, South Cotabato ang mga rebelde.

Walang nagawa ang guwardiya matapos na tutukan ng baril at disarmahan ng nasa 15 armadong rebelde habang ang iba pa ay nagsilbing lookout sa labas.

Agad na binuhusan ng gasolina ng mga rebelde ang isang road roller, isang backhoe, grader at dump truck saka sinilaban hanggang sa magliyab.

Tumagal lamang ng may isang oras ang­ pang­ha-harass ng mga rebelde na mabilis na nagsitakas.

Muling nag-iwan ng extortion letter ang mga rebelde para kay Governor Fuentes na nagbanta pang masusundan ang kanilang pananabotahe kung pa­tuloy na magmamatigas ang lokal na opisyal.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

CONSTRUCTION COMPANY

GOVERNOR FUENTES

INATAKE

MGA

NEW PEOPLE

SOUTH COTABATO

SOUTH COTABATO GOVERNOR DAISY AVANCE FUENTES

SOUTH COTABATO POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with