^

Police Metro

Ex-INC minister inaresto

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang dating ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na bago nabitbit sa presinto ay nanlaban umano na naganap kahapon  ng umaga.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay hinarang ng mga tauhan ng MPD-station 10 na nakasuot sibilyan upang isilbi ang warrant of arrest sa kasong libel para kay  Lowell Menorca II sa President Quirino Avenue, kanto ng Ro­xas Boulevard, Malate, Maynila.

Nabatid na papunta si Lowell at misis na si Seiko Menorca sa Court of Appeals (CA) para sa cross examination sa kaniya kaugnay sa  writ of amparo at habeas corpus case laban sa mga lider ng INC.

Sa pagbaba umano ng sasakyan para lumipat ay tiyempong lapit umano ng dalawang pulis na nagsabing inaaresto siya sa kasong libelo na nakahain sa sala ni Kapatagan, Lanao del Norte Regional Trial Court Branch 21,  Judge Alberto Quinto.

Nauwi sa komos­yon ang insidente nang tumangging  sumama si Menorca sa mga pulis at nag-react din ang misis nito dahil duda umano sila kung tunay na pulis ang dalawa na walang suot na uniporme at hindi umano nagpapakita ng identification card o badge wala rin umano silang alam na demanda sa kanila para arestuhin at sa pulis na hindi umano kaanib ng INC sila magtitiwalang sumama.

Dumagsa ang mga mamamahayag na lalong hindi naman nagpaaresto si Menorca hanggang sa nakausap ang isang radio anchor na tumawag kay MPD director Chief Supt. Rolando Nana dahil sa hiniling na rito lamang sasama ang una.

Dahil sa insidente, hindi nakadalo si Menorca sa pagdinig sa CA na iskedyul ng alas-10:00 ng umaga kaya nang makiusap ang misis sa CA ay ini-reset ng ala-1:00 ng hapon kahapon ang cross examination na hindi rin muli nakadalo si Menorca.

Sa halip na dalhin ng MPD sa CA si Menorca ay dumating ang legal chief ng MPD na nagpaliwanag sa korte na wala silang hawak na court order para dalhin si Menorca sa CA.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIEF SUPT

COURT OF APPEALS

IGLESIA NI CRISTO

JUDGE ALBERTO QUINTO

LOWELL MENORCA

MANILA POLICE DISTRICT

MENORCA

NORTE REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

PRESIDENT QUIRINO AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with