^

Police Metro

Medical assistance ng PCSO ay para sa lahat

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Para umano sa lahat ng publikong nangangailangan ng tulong ang medical assistance ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at wala itong pinapaboran.

Ito ang ginawang pagtatanggol ng isang good go­vernance group na Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE) at wala umanong basehan ang sinasabing may pinapaboran ang ahensya sa pagbibigay ng medical assistance na ipakalat ni Chairman Ayong Maliksi nitong nakaraang Nobyembre na may VIP treatment sa mga dati nang mayayaman at may koneksyon sa ahensya.

Una nang itinanggi ng ilang opisyal ng PCSO ang akusasyon ni Maliksi at iginiit na ang pagbibigay ng assistance ay idinidepende sa ebalwasyon sa “socio-economic status” ng pasyente at sinasakop ang parte ng “net bill” sa pagamutan.

Sinabi ni FATE president Jennifer Castro na nadiskubre nilang may isang “Celestino Ama” na nakatanggap ng P2 milyong medical assistance buhat sa PCSO at nais ng FATE na magpaliwanag dito si Maliksi dahil sa  impormasyon na driver nito ito.

Sa datos, naratay si Ama sa Philippine Heart Center may 10 buwan matapos na maupo si Maliksi sa PCSO at aabot sa P2 milyon ang naibigay na assistance dito.

Kung totoong tsuper ito ni Maliksi, magiging kaba­ligtaran umano ito sa pahayag ng opisyal sa pagtutol sa VIP treatment sa PCSO.

Nilinaw ng PCSO na ibinibigay lamang ang guarantee letter ng ahensya sa mga pasyente na kailangan nang ma-discharge sa pagamutan para hindi lumaki ang bill at kung mababa sa P100,000 ang bill.

ACIRC

ANG

CELESTINO AMA

CHAIRMAN AYONG MALIKSI

FILIPINO ALLIANCE

ITO

JENNIFER CASTRO

MALIKSI

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILIPPINE HEART CENTER

TRANSPARENCY AND EMPOWERMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with