Bigtime rolbak sa langis nakaamba
MANILA, Philippines – Inaasahang may malakihang rolbak sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo dahil sa patuloy na pagbulusok sa presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Sa tantiya ng mga eksperto, posibleng umabot sa P1.40 kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel habang nasa P1 kada litro naman sa gasolina.
Inaasahan rin na maaaring bumaba ng P1.20 ang kada litro ng kerosene.
Sinasabing ang patuloy na pagbaba sa presyo ng langis sa “oversupply” nito sa Gitnang Silangan at paghina ng ekonomiya ng Tsina.
Dahil sa patuloy na pagbaba sa presyo ng petrolyo, nabuhay ang panawagan ng mga pasahero na ibalik na sa P7 ang minimum na pamasahe sa pampublikong jeepney na hindi naman nagsusukli ang mga tsuper kung P8 ang ibinibigay ng pasahero.
Mas mababa na umano sa P24 ang kada litro sa diesel. Noong 2009, nasa P7 lamang ang minimum na pasahero nang huling pumalo sa P24 ang kada litro ng diesel.
Tinututulan naman ito ng mga transport group dahil sa hindi pa rin naman umano kumikita ang mga tsuper dahil naman sa pagkonti ng kanilang biyahe dulot ng mas tuminding trapiko sa Metro Manila at karatig lalawigan.
- Latest