2 hired killer tumba sa pulis
MANILA, Philippines – Dalawang hired killer ng sindikato ng droga ang napatay matapos maunahan sila ng pulis na balak nilang itumba sa loob ng compound ng apartment ng huli sa Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan, kahapon.
Ang pulis na nakapatay sa dalawang hired killer ay kinilalang si PO3 Jonathan De Belen, nasa hustong gulang, intelligence operative ng Anti-Illegal Drugs ng Norzagaray Police.
Batay sa ulat, bago naganap ang shootout ay nagising si De Belen dakong alas-4:00 ng madaling araw dahil sa kahol ng mga alaga niyang aso.
Kinuha nito ang kanyang baril at sumilip sa bintana at nakita ang dalawang armadong lalaki na pumasok sa compound ng kanilang apartment.
Lumabas si De Belen at kinompronta ang dalawang suspek dahilan illegal trespassing, subalit agad umanong nagbunot ng baril ang dalawa kaya’t pinaputukan sila at napatay.
Lumilitaw naman sa imbestigasyon na bago ang insidente ay nakatanggap ng mga banta sa kaniyang buhay si De Belen dahilan sa tagumpay ng inilunsad na anti-drug operations ng Norzagaray Police Station.
Pinagbantaan rin ang buhay nito ni Domingo Cabangon alyas Ka Ambo, isang dating NPA member na inaresto din ni De Belen sa kasong homicide.
Nasamsam sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang cal. 45 pistol na may isang magazine na puno ng bala, apat na plastic sachet ng marijuana, isang bag na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana, isang cal.38 pistol, dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu. isang community tax certificate na nakapangalan kay Joel Garcia.
- Latest