^

Police Metro

Konsehal bet sa Maguindanao, inutas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang kandidatong konsehal sa Maguindanao ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng nag-iisang gunman kamakalawa ng gabi sa Cotabato City.

Kinilala ang biktima na si Macawali Saranga, 38, ng Buldon, Maguindanao at kandidatong konsehal sa ilalim ng Liberal Party.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen bandang alas-7:20 ng gabi sa panulukan ng Don Rufino Avenue at Doretheo Street sa tabi ng Cotabato Puericulture Hospital ay katatapos lang bumisita si Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas at nakipagpulong sa mga lokal na kandidato at kanilang kapartido sa naturang siyudad.

Ang biktima ay nakatayo sa lugar at nakiki­pag-usap sa kaniyang mga kaibigan nang lapitan ng salarin na armado ng cal. 45 pistol at  pagbabarilin ito sa ulo na agad nitong ikinasawi.

Mabilis tumakas ang suspek na sinamantala ang kadiliman ng paligid.

Dalawang anggulo ang sinisilip ng pulisya sa motibo ng krimen, una ay pulitika at ikalawa ay rido o clan war.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

COTABATO CITY

COTABATO PUERICULTURE HOSPITAL

DON RUFINO AVENUE

DORETHEO STREET

LIBERAL PARTY

MACAWALI SARANGA

MAGUINDANAO

MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with