Kapag dinoktor ang mga ebidensiya... Perjury haharapin ng mga nagpetisyon kay Poe
MANILA, Philippines – Kung hindi umano mapatutunayang ginamit ni Senator Grace Poe ang American passport nito matapos itakwil ang American citizenship noong Oktubre 2010 ay posibleng makasuhan ng perjury ang mga nagpetisyon sa Senate Electoral Tribunal (SET) at Commission on Elections (Comelec) na sina Rizalino David at ang abogado nito na si Atty. Manuelito Luna.
Ayon kay All for Grace Poe Movement National Chairman Wainwright Rivera, kaduda-duda ang ibinigay na ebidensiya nina David at Luna sa SET at Comelec na rekord mula sa Bureau of Consular Affairs ng US State Department lalo kung pulos photo copies ang mga ito at walang authentication.
“Alam naman natin ang panahon ngayon kahit anong papeles madaling madoktor sa photoshop. Paano kung sa Recto lang ipinagawa ang ginamit nilang ebidensiya para ma-disqualify si Sen. Poe?” diin ni Rivera.
Idinagdag ni Rivera na matibay ang ebidensiya ni Poe na mismong ang American passport nito na walang tatak na malinaw na hindi ginamit mula nang itakwil nito ang US citizenship.
- Latest