^

Police Metro

Life hatol sa 2 pulis na snatcher

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hinatulang makulong ng 40 taon ang dalawang dating pulis Maynila kaugnay sa pang-aagaw ng gintong bracelet ng isang lalaki na nabaril nila at namatay  makalipas ang isang linggo sa pagamutan, sa Ermita, Maynila, may talong taon na ang nakalipas.

Ang mga akusado na napatunayang guilty ng Manila Regional Trial Court Branch 20 ay sina PO1  Reggie Dominguez na dating nakatalaga sa Manila Police District-Station 9 at  PO1 Jamal Lacsaman na hinatulan ng  reclusion perpetua na may katapat na parusang 20 hanggang 40 taon.

Inatasan din ng korte ang dalawa na bayaran ng danyos ang pamilya ng biktimang si Jose Anda na umaabot sa mahigit na  P189,000 na may karagdagang 6 na porsyentong  interes mula sa araw ng promulgation hanggang sa makumpleto ang kabayaran.

Batay sa record ng korte, sina  Dominguez at  Lacsaman  na kapwa nakasuot ng sibilyan na sakay ng isang motorsiklo ay nagsabwatan sa pagtangay ng bracelet ni Anda na nagkakahalaga ng P25,000,  sa tapat ng isang pawnshop sa Pedro Gil, Ermita, Maynila noong Enero 25, 2013.

Pumalag si Anda kaya  pinutukan sa kanang hita na naging sanhi ng  kaniyang kamatayan makaraan ang isang linggong gamutan.

Naging testigo ang biyuda ni Anda na si Hairo Joy na tumestigo sa insidente.

Ibinasura ng hukuman ang depensa ni Dominguez na wala siya sa pangyayari dahil nasa selebrasyon siya ng kaarawan ng anak.

Nagpabigat pa ang akusasyon ang pagiging most wanted cop ni Dominguez dahil nasangkot pa ito sa  serye ng holdapan na mga turista ang biktima sa Ermita at nadakip noong Hulyo 2014 kaugnay sa holdapan at tinanggal sa serbisyo dahil sa mga kasong robbery at usurpation of authority.

ANG

DOMINGUEZ

ERMITA

HAIRO JOY

JAMAL LACSAMAN

JOSE ANDA

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MAYNILA

NBSP

PEDRO GIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with