^

Police Metro

No terror threat sa Nazareno

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Philippine National Police na wala silang namomonitor na banta ng pag-atake ng teroristang grupo tulad ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa piyesta ng Itim na Nazareno na ang highlights ay  gaganapin sa darating na Sabado (Enero 9) sa Maynila.

“Wala pong terror threat (ISIS), sa ngayon po ay wala pa po tayong natatanggap at ating inaasahan na matatapos ang okasyon na ito na payapa at tahimik at walang anumang uri ng banta”, pahayag ni Supt. Marissa Bruno, Spokesperson ng Manila Police District (MPD).

Anya, lahat ng paghahanda sa seguridad ay plinanong mabuti kaya’t magiging matahimik ang traslacion ng Poong Nazareno at bagaman wala rin silang inaasahang ‘worst case scenario “ ay nakahanda sila sa anumang posibilidad.

Magugunita na ang NCRPO ay magdedeploy ng 5,000 pulis at 900 namang sundalo ang AFP para mangalaga sa seguridad sa traslacion ng Poong Nazareno.

Binigyang diin pa ni Bruno,  na bantay sarado ang mga ruta na daraanan ng prusisyon mula Quirino grandstand sa Luneta pabalik sa Quiapo Church sa lungsod ng Maynila na inaasahang 8 milyong debotong Katoliko ang makikilahok sa traslacion.

Inihayag pa ni Bruno na isasailalim sa masu­sing inspeksyon ang mga debotong nakasumbrero at naka-backpack para na rin sa seguridad kung saan inaasahang mas marami ang debotong makikiisa sa pamamanata sa Itim na Nazareno.

“Sa halip na backpack, mas makabubuti ay gumamit na lamang ng mga transparent bags gaya ng ginamit nang mga mana­nampalataya noong panahong dumalaw sa bansa si Pope Francis ng nagdaang Enero 2015,” pagwawakas ni Bruno.

ACIRC

ANG

BRUNO

ENERO

INIHAYAG

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

ITIM

MANILA POLICE DISTRICT

MARISSA BRUNO

MAYNILA

POONG NAZARENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with