Final count ng DOH: 929 nasugatan sa paputok
MANILA, Philippines – Mas malaki pa ang lumabas sa final tally sa mga naging biktima ng paputok na taliwas sa unang pagtaya ng Department of Health (DoH) na bumaba ng mahigit 50 porsyento ang bilang ng naputukan ngayong taon.
Nabatid na umakyat pa ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa nakaraang salubong sa 2016.
Sinabi ni Health Secretary Janet Garin, mula December 21, 2015 hanggang sa January 5, 2016 umabot sa 929 ang nasugatan dahil sa paputok at isa rito ang namatay.
Kasama sa bilang ang pitong tinamaan ng ligaw na bala.
Mas mataas ito ng walong porsyento kumpara sa mahigit 800 lamang na biktima noong nakaraang taon.
- Latest