Ex-cop kinatok ng kamatayan
MANILA, Philippines – Hindi sukat akalain ng isang dating pulis na kamatayan ang naghihintay nang pagbuksan ng pinto ang kumakatok sa kanyang bahay sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-the-spot dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Sadino Atena, 58, may-asawa, dating nakatalaga sa Region 8.
Batay sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw ay naalimpungatan ang biktima sa kanyang pagtulog kasama ang anak at kapatid sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa 358-Sitio Victoria, Area -1, Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo dahil sa ingay ng kanilang aso at mga katok.
Bumaba ang biktima upang tingnan kung sino ang kumakatok at pagbukas nito ng pinto ay agad itong pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek.
- Latest