^

Police Metro

2 na binaril ng tanod, pumanaw na

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magkasunod na pumanaw ang isang binata at isang 7-anyos batang lalaki na binaril ng isang barangay tanod sa kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon sa Makati City.

Batay sa ulat, dakong alas-6:54 kamakalawa ng gabi nang bawian ng buhay sa Ospital ng Makati ang 7-anyos na si Mark Angelo “Macmac” Diego, ng Bulusan Extension, Barangay Southside, Makati City sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ulo na ilang oras na-comatose bago bawian ng buhay.

Kahapon ng alas-5:00 ng umaga nang bawian din ng buhay sa nasabing ospital si John Edward Pascual, 28 na nagtamo ng apat na tama ng baril sa dibdib.

Ang suspek na pinaghahanap naman ng mga pulis ay kinilalang si Raymundo Liza, 40, isang tanod ng Barangay Southside, Makati City.

Sa salaysay ng ama ng bata na si Mark Anthony Diego, 25, nagdiriwang sila ng kanyang kaarawan kasabay ng pagsalubong ng Bagong Taon at bisita nito sina Pascual at Jay Java.

Habang masayang nanonood ng mga paputok ay biglang dumating ang suspek na si Liza na sakay ng motorsiklo at kinursunada nito si Pascual at pasigaw na sinabihan na “siga ka ba dito” at kasunod ay walang kaabog-abog na pinagbabaril.

Habang tinamaan ng ligaw na bala sa ulo ang batang si Mark Angelo na nakaupo lamang at nadaplisan din si Java.

Isinugod sa naturang ospital ang mga biktima at alas-6:54 ng gabi nang unang binawian ng buhay ang bata at kasunod ay si Pascual kahapon ng umaga.

Nabatid na ang suspek ay kilalang siga sa lugar at nagkakasa ng baril kapag nakakainom ng alak.

ANG

BAGONG TAON

BARANGAY SOUTHSIDE

BULUSAN EXTENSION

HABANG

JAY JAVA

JOHN EDWARD PASCUAL

MAKATI CITY

MARK ANGELO

MARK ANTHONY DIEGO

RAYMUNDO LIZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with