^

Police Metro

3 miyembro ng news team ligtas sa ambush

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng news team ng ABS-CBN ang nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos na tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Bangolo, Marawi City sa Lanao del Sur noong Sabado ng hapon.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Ronnie Enderes, reporter ng ABS-CBN-Iligan City; Garie Montesillo, driver; at si Emilito Balansag, cameraman ng nasabing istasyon.

Sa inisyal na imbestigasyon, naitala ang pa­nanambang bandang alas-12:30 ng hapon kung saan sakay ang mga biktima ng Ford Pick up (WMV-435) at pabalik ng Iligan City mula Ramain, Lanao del Sur matapos ang coverage sa pagpapasabog sa isang National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) tower sa Brgy. Linamon.

Wala namang nasu­gatan sa mga biktima na nagpas­yang magtungo sa Camp Ranao ng 103rd Brigade ng Phil. Army para sa kanilang kaligtasan.

Sa pagsisiyasat sa crime scene, narekober ang dalawang basyo ng bala ng cal.45 pistol.

vuukle comment

ACIRC

BARANGAY BANGOLO

CAMP CRAME

CAMP RANAO

EMILITO BALANSAG

FORD PICK

GARIE MONTESILLO

ILIGAN CITY

LANAO

MARAWI CITY

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with