^

Police Metro

National coral restoration sisimulan sa 2016

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Maaari nang masimulan sa susunod na taon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang “nationwide coral restoration program” matapos aprubahan ng Kongreso ang pondo para rito.

Si Senator Loren Legarda, chair ng Senate Committee on Finance, ang nagsulong na magkaroon ng pondo ang National Coral Restoration Program dahil dapat aniyang maging prayoridad ng gobyerno ang pangangalaga sa 240 milyong ektaryang ng marine area sa bansa na isang archipelago nation.

Nakapaloob sa pambansang pondo para sa 2016 ang P500 milyon para sa coral restoration program.

Sinabi ni Legarda na mahalagang maayos ang kondisyon ng mga coral reefs dahil ito ang “food basket ng mga isda at kung masisira ang mga ito ay mababawasan ang populasyon ng mga isda.

Isa aniyang problema sa ngayon ang “coral blea­ching” na nangyayari kapag nagkakaroon ng pag-init sa ilalim ng dagat kung saan naaapektuhan ang mga corals.

ACIRC

ANG

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ISA

KONGRESO

LEGARDA

MAAARI

NAKAPALOOB

NATIONAL CORAL RESTORATION PROGRAM

SENATE COMMITTEE

SI SENATOR LOREN LEGARDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with